Gloc9 - Balita lyrics

Published

0 320 0

Gloc9 - Balita lyrics

Lapit mga kaibigan at makinig kayo Ako'y may dala-dalang balita galing sa bayan ko Nais kong ipamahagi ang mga kwento At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako Gloc 9: Ako ay Pilipino sa isip at sa gawa Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan May pamilyang kumakain ng kulang sa dalawang Beses sa isang araw Minsan wala ngang panlugaw Bakit ganito kababaw Isang pagkaing nilangaw Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom Alam ba ng nga husgado at lahat ng hukom Na merong mas masahol pa sa hatol ng kamatayan Yan ay ika'y maging mahirap sa sarili mong bayan Mga bata na ang dapat na ginagawa'y maglaro Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso Bagkus ay isang taong gulang na kapatid at may baso Sa harapan na nagbabakasakaling lagyan Baryang pambili ng tinapay na panglaman sa tiyan Mga pinunong bago mamatay at magkasakit Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig Urbandub: (bisayan version) Gloc 9: Mga bakal na dumudura nangapuyat ng tingga Tangan-tangan at balot ng kasuotang pandigma Bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pagluluksa Pare-parehong sundalo, m**m man o Kristiyano Ilan man ang masawi di mo alam sinong pan*lo Walang pan*lo dahil sa huli tayo ang talo Pinoy ang nasa loob ng ataol na sinarado Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang pinangako Respeto't pagmamahalan ay pilit na tingatago Lawing hindi makadapo may pakpak na limitado At nakakulong sa seldag may walang susing kandado Kailan kaya matatapos ang pag-agos ng dugo At ang kapayapaa'y mahawakan ng buong-buo Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinabi