Gloc 9 - Salbahe lyrics

Published

0 513 0

Gloc 9 - Salbahe lyrics

[Chorus: Tanya Markova] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali [Gloc-9:] Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo Parang kapit-bahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang mesa ay kumpleto Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo Ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos Kelan ka pa magbabago, eh pano ? Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay wag kang makialam At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam Pero pano ba yan, palaging tandaan Ito ay kanta ko hindi ba? Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova [Chorus: Tanya Markova] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali [Gloc-9:] Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo Itong guro ko na masungit, pangala'y Ginang Buenaofra Parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang cobra pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta di na nga matapos sa pagsusulit , wala pang makuha na suporta 'pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano Ang pabaon lagi ay burong , dapat mataas ang marka sa bunot Buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam Sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y parang kagat lang ng langgam? Alam mo ba ganito ? Sabihin sa akin ay wag kang makialam. At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. Pero anumang balakid 'yan Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova. [Chorus: Tanya Markova] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali [Gloc-9:] Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si Onse Kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe Upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si Remedios Pero ang totoo po niyan , para di kumalam ang kaniyang tiyan Sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan ! E-e-e-enhale, exhale .. pwede ba tigilan mo na nga yang rugby Hindi ba tama naman ako sabi nila, tatay mo sakin exactly Pero alam ko kung anong pweden mong sabihin sa akin ay wag kang makialam. At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. Pero anumang balakid 'yan Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova. [Chorus: Tanya Markova] Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali