Gloc 9 - Kalye lyrics

Published

0 502 0

Gloc 9 - Kalye lyrics

Nalimutan mo na ba Ang lahat nang nangyare Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Nalimutan mo na ba Ang lahat ng sinabi Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Iba't Ibang tao, Iba't Ibang araw Ang aking nakikita at syang nakakaulayaw Simula sa pagsikat hanggang sa pagpanaw ng liwanag At hanggang sa muli pa nyang pagdalaw Sari sari ang mga naglalakbay at dumaraan Kahit na ika'y nakasakay o kapapara lang Para lang bulong ng hangin na tuloy tuloy Mabaho man o mabango palagi mong maaamoy Usad na di palangoy tawa man o panaghoy Lahat tayo'y mababasa o mapapaso sa apoy Dahil ako ang syang daan kahit buo kong pangalan ay kinatatamarang Sambiting madiin marating tawirin tiisin Kung ayaw mo sa'kin sige piliin kung alin Naaalala mo ba ang mga storya ng kalsada Pihitin pabalik ang kabanata ng pahina Nalimutan mo na ba Kung ilan ang sumali Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Nalimutan mo na ba Ang lahat nang nangyare Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Aling Celia ang pangalan Lumuwas papuntang Quiapo Sumakay ng bus sa may Cubao nang may dumapo Daw na paro paro sa balikat yun ang akala Inipong pera'y nawala kasama ng pitaka Sya si Melody pauwi na galing pang Estrella Inabot ng hating gabi proyekto sa eskwela Kailangang tumawid sa eskinita sa Manuela Sa kasamaang palad di na nakita ang dalaga Madilim kasuluksulukan sa Boni Di na nagugutom ang batang lansangan na si Rolly Pero di sya nabusog sa tinapay o pansit Manhid lamang dahil sumisinghot sya ng pandikit Napiit kahit na di ito Selda Bilibid Araw araw napakaraming tao ang naiipit Yang lamang ang ilan sa mga storya ng kalsada Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata Nalimutan mo na ba Ang lahat nang nangyare Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Nalimutan mo na ba Ang lahat ng sinabi Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Galit reklamo angal asar Init pahid pa Tila di marating ang tinatanaw na lugar Napakabagal ng pag usad parang lakad sa kasal Pero minsan ang daan na ito'y nagsilbing kasagutan Sa milyong milyong hinihinging hiling Malakas na narinig bulong na nakakabinging Hinaing na gumising sa ginigising na gising Pinatunayan sa mundo na totoo ang pagkakaisa at Mas makapangyarihan ang awa't malasakit sa Kapwa laban sa baril o kahit na tangke At tapang na katulad na pinagsama samang kape Ang kadilimay napukaw ng bulaklak na sandata Dahil mas tumatagos ang pagmamahal kesa bala Pihitin pabalik ang pahina ng kabanata At huwag mong kalimutan ang storya ng kalsada Nalimutan mo na ba Ang lahat ng sinabi Nalimutan mo na ba Ang kwento ang kwento ng kalye Nalimutan mo na ba Kung ilan ang sumali Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye Nalimutan mo na ba Ang tunay na mensahe Nalimutan mo na ba Ang kwento ng kalye