Gloc 9 - Salarin lyrics

Published

0 306 0

Gloc 9 - Salarin lyrics

[Chorus: Bamboo] The dates go on, we down for sure But on my own (Now tell me everything's all right) I pay my own way, sold my soul We on the clock (You tell me name my price) You reap what you saw but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due me When tomorrow comes, it's just another day [Gloc 9:] Mga daliring nakaturo, dugo na tumutulo Pangalang nakasulat sa maputik na dipuho Katanungan na mula pa sa ating mga ninuno Saan ba ang daan bakit hindi niyo maituro Kaing-kaing na hinaing, daang-daang daing Ang lunas ba'y imposible parang dilat na bahing Lahat malinaw kahit bulag o mata'y nakapiring Parang ang daming doktor pero di gumagaling Ang bayan kong minamahal ganito na lamang ba Na ang iyong kaunlara'y dinadaanan ng iba Sa kanila galing ang bigas, di ka ba nagtataka Bakit meron paring nagugutom na magsasaka Kamusmos ang nasa lansangan kayod kahit maalinsangan Patuloy sa pagdami tila di nababawasan Ang problema teka kung gusto mo talagang malaman Ay sumama ka sa amin at subakan nating pagmasdan ang [Chorus: Bamboo] The dates go on, we down for sure (Now tell me everything's all right) I pay my own way, sold my soul (You tell me name my price) You reap what you saw but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due me When tomorrow comes, it's just another day [Gloc-9:] Silang mga nagiging biktima tila dikit-dikit sila Leeg na ginilit pinilipit kasi gipit sila Makuha lang ang perang inipon sa alkansya Sa isang gisap mata pabilisang magpasya na ang (You just don't see why I try) Sayo ay akin, at ang sa'kin ay akin palagi Ganyan ang buhay na parang buhol-buhol na tali Kailangang dumiskarte, kailangang makabawi Kakapit sa patalim walang baka-bakasakali Kasi walang trabaho makuha dun sa amin At bihirang mapahiran ng mantika ang pagkain Hindi naman ako kinukulang sa pan*langin O tinatamaan lamang ng aking suntok ay hangin Ngayo'y nakakulong pero matagal ko nang nalaman Na ang katarungan daw ay para lang sa mayayaman Ang katotohanan ba ay gusto mong masilayan Halika't sabay-sabay nating tingnan ang katibayan sa [Chorus: Bamboo] The dates go on, we down for sure (Salamin) Had my own way, sold this soul (Salarin) You reap what you saw but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due me When tomorrow comes, it's just another day The dates go on, we down for sure (Salamin) I pay my own way, sold this soul (Salarin) You reap what you sow but that ain't what I see Whatever happened to the promise we would've dreamed I'll just do my time and take what's due to me When tomorrow comes, it's just another day [Bamboo:] Fight or fly, or will we simply fade away Tired of all the talking We're still singing the same old songs Yet things haven't changed Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun) Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun) Bayad ko buhay ko, ba't ganun (Bayad ko buhay ko, ba't ganun) Bayad ko buhay ko, ba't ganun [Gloc-9:] Mama bayad bayad, utak kong sumayad Malakas ang hangin baka nama'y walang layag Oo nang oo pero di naman pumapayag Mainit na tinapay na ang palaman ay amag Sa bayan na laging malakas ang mga bulong Kahit umusad ay tila di umiikot ang gulong Mga bulag at pipi ang gamit lang ay ilong Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong Mama bayad bayad, utak kong sumayad Malakas ang hangin baka nama'y walang layag Oo nang oo pero di naman pumapayag Mainit na tinapay na ang palaman ay amag Sa bayan na laging malakas ang mga bulong Kahit umusad ay tila di umiikot ang gulong Mga bulag at pipi ang gamit lang ay ilong Bakit nangangamoy bulok ang inyong mga barong