Gloc 9 - Hindi Mo Nadinig lyrics

Published

0 750 0

Gloc 9 - Hindi Mo Nadinig lyrics

[Chorus: Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan Nagkamali ako… Sa mga pangako mo… Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan [1st Verse: Gloc-9] Minahal na kita Nang makita kita Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba Kinapalan ang mukha, niligawan kita Kahit ako ay alangan sa mata ng iba Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw Kahit na anong mangyari ako’y di bumitaw Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw Ang aking kayakap ay walang iba kundi ikaw Kaya’t ganun na lamang ang aking saya nung ako ay Nagpaalam ngunit hinawakan mo’ng aking kamay At sinabi sakin sa hangin parang tinangay Nang minahal mo ako, pwede na kong mamatay Ako’y nagsikap upang maibigay sayo ang langit Karangyaan sa buhay at mamahaling gamit Kahit minsa’y nagtatalo, sayo’y di kayang magalit Bawat hakbang palayo, ako’y patakbong lumalapit Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat Ang lahat kinasabwat, handa kong gawin ang lahat Nang ang pag-ibig natin sa isa’t-isa’y hindi lumabo Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo [Chorus: Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan Nagkamali ako… Sa mga pangako mo… Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan [2nd Verse: Gloc-9] Lagi kang ginagabi, ang huling kagabi Madalas na magising wala ka saking tabi Pero di naman siguro, baka guni-guni Ko lamang to, wala lang to, siya’y may pinapabili Bagong damit bagong alahas, mahal basta ikaw Dagdagan mo pa ng prutas, mangga basta hilaw Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw Ako ay medyo natuwa, di kaya sana naman Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman Ngunit nag-aalangan, di ko mapag-alaman Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan Isang araw ay dinugo, halos lahat ay isumpa mo Di ko lubos maisip, di ko alam kung pano Unti-unting nagbago, dinuduro mo pa ko Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko Umuwi ng maaga, ingay na tagos sa dingding Huling-huli sa akto, sakin binaling ang tingin Hindi na kita mahal, sabay hubad ng ‘yong singsing Ako’y binalot ng galit at nagdilim ang paningin [Chorus: Jay Durias] Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan Para sakin, mga dalangin ko’y pinakinggan Nagkamali ako… Sa mga pangako mo… Buong akala ko ikaw ang siyang sakin ay nakalaan [Last Verse: Gloc-9] Ako’y bumunot ng baril, na dinala kaya pala Kahit walang dahilan magagamit ko pala Parang namamagang singaw, buong dugong nakabara Lahat ay gustong isigaw, ngunit kumalso ang panga Piniringan ang mata, tinalian ang kamay Minartilyo sa paa, sige tumakbo kang pilay Kahit kayo ay mag-ingay, sige todo bigay Di na rin naman pwedeng maging tistigo si inday Inunahan ko na siya bago pa mangyari to Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi to Sa idudulot kong sakit na nakakaimbalido Kasing kulay na ng talong ang mga kutis nyo ngayon Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon Buhok nyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong Sisilaban hanggang magbaga na parang bulkang Mayon Lumamig na ang luhang galing sayo at tuminig Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib Daliri ko’y nasa gatilyo sabay subo sa bibig Minahal naman kita, bakit hindi mo nadinig? (di mo nadinig)