Sakay na sa bansang puro banyaga ang laman Pati ang laman ng utak ng mga walang pakialam At ang sakayang ito'y parang bansang hindi pantay-pantay May nakaupo ng maluwag at may halos malaglag na ang bayag Nakikipagsiksikan sa bungad Sa pag-abot ng pamasahe ay tamad At ang mga bagong sakay ay sa dulo mapadpad pa'no ngayon tayo uunlad? Bumabagal Umusog ka kung nais mong magtagal O baka di na maabutan ang iyong kaarawan Sasakay ka ba sa bansang halos walang patutunguhan? Sapagkat ang mga nagmamaneho'y interesado sa pamasahe mo lang Kaya't bumaba ka na hangga't gising ka pa Baka lumagpas sa'n ka pa mapunta Nakanamp* dahan-dahan! 'Di ko makita ang dinadaanan para pumara T*ina! 'wag mo namang ihinto sa gitna ng kalsada!