Tulog na anak at bukas ay may umagang darating, minamasdan kita habang tulog na parang isang bituin. Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina, dahil ako'y mahirap kaya't sumama sa iba. Ngayon ika'y musmos pa lamang tatlong taong gulang. Lahat ay gagawin, haharapin, mapag-aral ka lang. Upang maabot mo, buhay na pinapangarap ko; at iyong malisan hirap na kinamulatan ko Lumipas ang ilang taon, ako ay umalis, at sa malayong pook ako ay nag-tiis. Larawan mo ang laging hawak hawak ko. Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko. Ako ay nagbalik sa araw ng 'yong kaarawan. Malayo pa lamang nakita ko na ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw sa loob ng aming tahanan? Ako'y lumuluha mukha mo a'y pinagmamasdan. Paalam na aking anak, at sa gabing darating ako ay titingala, at hahanapin ka sa mga bituin.