Gloc 9 - Huminahon Ka lyrics

Published

0 594 0

Gloc 9 - Huminahon Ka lyrics

[Sly Kane:] Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto’y malampasan Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa’yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo Huminahon ka [Gloc 9:] Hoy pakiulit nga? Kilala mo ba yan? Katatapos lang ang palaging tanong ay pang ilan Simula pa lamang to huwag kang malilito Ito ang kauna-unahang kanta ko sa pangpito Ano bang sabi ko nakinig ka ba dati? Parang gamot na ‘di ininom kapag may bulate Panigurado ‘to na para bang umatake Ang nabubulok na sikmura kailangan mong tumae sponsored links Mawalang galang na at pasintabi po Magka prangkahan na sa mga baliko Ilang beses ko bang uulitin Pilitin huwag mong pigilin Aminin ang mabaho kahit pa ligo Tila hindi pa rin naiintindihan Kung ano’ng kaya kong gawin at ano’ng dahilan May mga araw ding napagiiwanan Dahil ako pag tinabi sa inyo ay walang kaibahan [Sly Kane:] Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto’y malampasan Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa’yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo Huminahon ka [Gloc 9:] Ako’y isang ama tulad din ng iba Nagtatrabaho at ang dahilan lang ay isa Ang mapakain ang aking mga supling Umaga, tanghalian, hapunan, pagsapit ng dilim Gamit ang tintang itim, asul man o pula O lapis na wala pang naimbentong pambura Huwag kang mayabang sa daanan huwag humarang Dapat marunong gumalang payo sa’kin ng aking ama Pati ng aking ina inukit sa kukote At piningot sa tenga na parang pamihit na liyabeng Yari sa aserong tulad ng baryang pamasahe Kapag kinulang ay maglalakad nalang sa kalye Di lahat ng bagay ay parang laruan Na pag ika’y naglupagi sa sahig agad kang pagbibigyan Ang tatanda ka rin ay may kaibahan Sa magtatanda ka rin kaya palaging tandaan [Sly Kane:] Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto’y malampasan Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa’yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo Huminahon ka Dahan dahan lang at baka sa paglakad mo pinto’y malampasan Hinay hinay lang at makakarating ka rin sa’yong papupuntahan Dahil ang nagmamadali ay ang syang laging nagkakamali Dinaanan ko nang lahat ito kaya’t ang payo ko sayo Huminahon ka Hingang malalim Hingang malalim Hingang malalim Huminahon ka