Isang araw papunta ako sa bahay ng aking tropa Kasi sabi nya tol heto na meron nakong nakuha na drum machine Para marecord na natin ang rap mo Tara na bilisan mo bago pa dumating ermat at erpat ko. Sige bumili ka ng blank tape magbaon ka ng hotcake Wag ka nang magdoorbell di naman nakalock ang aming front gate. Lumipas ang ilang oras at sa wakas Ay limang kanta ang aming natapos agad akong Umuwi samin nagbihis at isinoot ang sapatos na lumat mabaho Ay pudpod ang swelas pa aalis nako nay sige mag ingat ka. Sumakay ako ng jeep akoy inantok at agad akong napapikit Isang oras ang dumaan di ako nainip eto nga pong bayad Dyan na lamang ako sa tabi o sige na dali. Akoy bumaba sa cubao fishball na medyo hilaw Ang tanghalian ko wow! Sana ay di maligaw dahil eksakto lang ang dala kong pamasahe Di pako sumusweldo at di pa rin nakabale Sa amo ko na masunget, Amo ko na kuripot, Amo ko na walang alam gawin kungdi umikot at maghanap ng mali Na ginawa ng kanyang mga tauhan Ang sarap mong sampalin at ang sarap mong batukan hops! Mabalik tayo sa cubao matapos ang tanghalian kong fishball na hilaw hoy! Parang kulang yatang pera na yong inabot, Natapunan pa ng toyong polo kong suot, Pasensya na ok lang pero nakasimangot Binigyan na lamang ako ng dalawang balot, Tapos naglakad ako papunta sa lugar na kung saan Ay nandoon ang record label na susubukang mapasok at maibigay Ang demotape ko na ito malapit na ako, Andito na ako, Papasok na ako, Kinakabahan ako pero eto talaga ang gusto kong gawin. Ang maging Rap Star na parang Rock Star Magandang sports car kaso lang may guard. Saan ka pupunta? Meron po akong demotape na dala. Pero alam ba nila teka sino ka tumawag ka na ba Iniintay ka ba pano yan di pala?"