Gloc 9 - Magda - Acoustic Version lyrics

Published

0 457 0

Gloc 9 - Magda - Acoustic Version lyrics

Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo Ito'y kwento ng isang babae, tulog sa umaga gising sa gabi Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, sa lugar Na ilaw ay patay sinde Simulan natin ang storya Ako'y kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan Kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulagbulagan Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba Pag bibigyan kita, kilala mo ba si magda Na aking kababata mula pa ng pagkabata Kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid At pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga Tuwing kausap kona malimit akong tulala Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang Bibig at pintig ng puso para sa kanya At sasayawan matapos kaming makapag tapos Dahil pinawis ang mukha ako'y nag punas ng pulbos Kahit parang hindi pantay nag mamadaling hinila Pinakilala nya lalake na taga maynila Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon Magdalena anong problema alam naman natin Na dati kang nena Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo Maraming taon ako'y nalipasan pinilit ko mang takasan Bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan Di ko maibaling ang pag tingin ko sa iba Minamahalko sya hahanapin ko si magda Lumuwas habang nagdarasal na maabutan Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinag Tatrabahuan Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan Iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti Dahil ubod ng saya hindi na nag atubili Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim Madaming lamesa't mga nag iinumang lasing Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta Sa maliit na entablado ay nakita ko na Ako ay nagtaka nag tanong nag kamot Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar Na ilaw ay patay sinde Ituloy natin ang storya Agad s'yang sumama sakin walang kakaba kaba Ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising Ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag Liham para sakin na isinulat nya magdamag Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin Di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin Mahal kong ernesto alam kong tulog mo'y Malalim Di nako nag paalam dina kita ginising Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay At sa pinaka masayang gabi ng aking buhay Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko Isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko Hinanap kung saan saan at kung kani kanino Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko Imbes na ako'y sagipin itinulak sa bangin Ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim Kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng Alam ang amoy ng laway ng iba't ibang lalake Isa lang ang kaya kong sayo'y maipagmalaki Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi Gusto ko mang manatili sayong mga yakap Ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat Pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid Ngunit sa dami ng pait ang puso ko'y namanhid Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala Salamat sa alaala, Nagmamahal magda Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena Na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo Ito'y kwento ng isang babae