PANO BA? 1st Stanza Pano ba, sayo ipapakita Na laman ng puso ko'y ikaw Pano ba, pano maniniwala Na ikaw lamang ang nais ko't wala ng iba Refrain Di mo alam, di maramdaman Ano ba ang kulang pa Sa'king pagmamahal? Chorus Di pa ba sapat? Sa katapatan ko ika'y may duda pa Ang labo, pa'no ba? Mapatutunayan ang pagmamahal Di mo ba alam ako'y nasasaktan Pano ba 2nd stanza Pano pa, sa akin magtitiwala Kung lahat ng sasabihin ko'y wala Wala lang, sayo'y wala ng kwenta Pinaniwala ang sarili na di ka mahalaga (Repeat refrain and chorus) Bridge Ilang awit aawitin Ilang ulit uulitin na mahal kita Ako ba'y may pagkukulang O baka naman ikaw lang Ang bulag sa'king pagmamahal? (Repeat chorus until fade)