Gary Granada - Holdap lyrics

Published

0 529 0

Gary Granada - Holdap lyrics

Minsang ako ay nag-agahan doon sa bandang Nagtahan Nang mayrong nagkagulo sa isang tambayan At ang usap-usapan ay tungkol sa isang holdapan Sa isang pampasaherong sasakyan Nang aking nilapitan, tamangtamang naabutan Ang isa sa biktimang nagsalaysay At ang bukambibig niyaong mamang nanginginig Salamat daw at siya'y naiwan pang buhay Nanakawan na at naholdap si Juan Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan Ngunit ang nagnakaw pa ang pinararangalan Isang kinsenang kayod, ang pinagpawisang sahod Ay nahulog sa kamay ng magnanakaw Pati yung estudyante at aleng mukhang pasyente At lolong halos di na makagalaw Relo, singsing at hikaw, pati ngiping natutunaw Sinimut nuong disenteng lalake Mabuti na lang daw at mabait yaong mamaw Sila'y inabutan pa ng pamasahe Nanakawan na at naholdap si Juan Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan Ngunit ang nagnakaw pa ang kandidato sa halalan Ngunit minsa'y namukhaan nitong kawawang si Juan Ang holdaper kanya palang kapitbahay Malimit mag-abuloy ng abubot at borloloy Sa tuwing may okasyong pambarangay Siya ay kwelangkwela sa simbahan at eskwela Bida kay bishop, kay judge at kapitan Tauntaon pati ay may medalya at plake Ang magiting at dakilang kawatan Nanakawan na at naholdap si Juan Ngunit ang holdaper pa ang pinasalamatan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan Ngunit ang nagnakaw pa ang nanan*lo sa halalan Nabaon sa utang ang bayan ni Juan At lalong mababaon dahil sa Philippines 2000