Spoken: Isang araw... Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena Para bumili ng suka Pagbayad ko aking nakita Isang dalagang nakadungaw sa bintana (clap, clap, clap) Natulala ako laglag ang puso ko Nalaglag din ang sukang hawak ko (break gla**) Napasigaw si Aling Nena (shout) Ako naman ay parang nakuryenteng pusa Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na Nakatawa ang dalaga (clap, clap, clap) Panay ang "sorry ho" Sa pagmamadali nakalimutan pa ang sukli ko Pagdating sa bahay nagalit si nanay Pero oks lang ako ay inlababo ng tunay Chorus: Tindahan ni Aling Nena Parang isang kwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Pumunta ako sa tindahan kinabukasan Para makipagkilala Ngunit sabi ni Aling Nena Habang maaga'y huwag na raw akong umasa (clap, clap, clap) Anak niya'y aalis na papuntang Canada Tatlong araw na lang ay ba-bye na Chorus: Tindahan ni Aling Nena Parang isang kwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Hindi mapigil ang damdamin Ako'y nagmakaawang ipakilala (ho, ho, ho, ho) Payag daw siya kung araw-araw Ay meron akong binibili sa tinda niya (clap, clap, clap) Ako'y pumayag at pinakilala niya Sa kanyang kaisa-isang dalaga Ngunit nang makilala siya'y tumalikod na At iniwan akong nakatanga Chorus: Tindahan ni Aling Nena Parang isang kwentong pampelikula Mura na at sari-sari pa ang itinitinda Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera Chorus 2: Tindahan ni Aling Nena Dito nauubos ang aking pera Araw-araw ay naghihintay O Aling Nena, please naman maawa ka-ahh Spoken: Alam nyo'ng nangyari? Wala... ahh... wala...ahh... (oh diyos ko!) Wala... ahh... wala...ahh...