DJ Umph - Kawal lyrics

Published

0 161 0

DJ Umph - Kawal lyrics

Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!] Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!] Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!] Kawal ng Kultura! [Alagad ng Sining!] Kawal-alagad ng malaya at mapagpalayang pamamahayag Mga gabay sa paglalayag ng mga sa larangan ay lagalag Sumasalag, pumapalag, upang umalagwa sa pagkakabaon Sa libog sa katawan, yaman, dahas, at bisyo ng lumang panahon Hwag malinlang sa gunita ng aming kabutihang loob Bagama't kalma bulka'y marunong pumutok Matibay ang paninindigan, hindi mapapaluhod ‘Di makakalusot katwirang bulok sa ‘ming mga makatang hubog Sa digmaan ng bigkasan at digmaan sa lansangan Ang kargada'y nagbabagang ABaKaDa ng paglaban Mga bara mala-bala bawat tama pantama ng mali Tatamaan ang lahat ng magkakamaling magtanggol ng maling gawi Ambisyon mo ang manguna nang nakaupo lang Hampasin nga kita ng bangko sabay tasa sa nabali at gawin kong panulat O isaksak ko sa lalamunan, tiyak bigla kang magugulat Walang patak ng dugong lalabas tanging tatagas ay laman ng pluma Ito ang dahilan ba't kami sinilang, sining na maglilinlang Sa mga pansarili mong adhikain, bumabaling sa atensyon, pinansin ng karamihan Inaalok ng mabilisang pabuya, ‘di na kailangang maghabol Pero hangga't may tulad mong naliligaw, mas pipiliin kong magtanggol Ngunit kinatataka ko ba't sama ng iyong titig Daig mo pa aking magulang ‘di ako mapilit- Pilit kumaibigan ng sakristan nang magbago Ihip, isip ko'y mawala sa paggawa ng pangit Bakit mo ginising ang natutulog kong kasamaan? Para ‘di mahalata, ay aking dinaan ang pagpatay sa pandiwang makabuluhan Atin lang Apat na letrang may tangan ng apat na milyong ulit ng bangis Hindi nakuntento sa panaginip sinabuhay ko imbis Ipagpatuloy ang pagtulog, sumagasa ako sa mga panganib Nag-iwan ng bakas sa mga nais makabawi sabay harang ng balakid Ganid at gahaman, tinatapakan | Batang tubigan, sanay maputikan Bagama't puro, utak at puso, kapag naabuso, handang madungisan Kaya hwag nang magtangka pang sumagot nang pabalang Matamis mang magsalita, matalim ang dila ng sikmurang halang Magwawakas na rin ang pagdadalamhati Sa pamamagitan ng tula namin ang iyong ngiti Minsan ka na lang makarinig ng walang halong landi Tipong mapapatayo ka kahit sugatan ang binti Aming minimithi na maging binhi ng pagbabago sa mga isip na pilit i- Sinasarado | Aming titik ang magsisilbing bakal na maso, pampalaya sa sinisikil Pare ituring mo kaming tumatapik, sa mga nagdedeliryong dapat naghahasik Nanlalamig, aming sinasampal upang magising isip na ngawit Di makapaniwala sa kung pano kami bumirit, ang mga ‘di sumangayon ay nagkakandirit Mga tunay na kawal ng kultura muling nagbabalik