Habang ako ay nag-iisa Ikaw ang lagi kong alaala Ang mga pangarap nating kayganda Bakit kaya ngayo'y naglaho na? Kapag mata ay pinipikit Ikaw ang naiisip Hanggang sa aking pag-idlip Ikaw ang panaginip Lahat ng iniwan mong alaala Sa pag-iisa'y ang tangi kong kasama. Hinding-hindi ko maipagpapalit Pag-ibig ko sa 'yo kahit saglit Wala man ang yakap na dati'y kay higpit Wala man ang halik na kay init.