BLKD - Gatilyo lyrics

Published

0 453 0

BLKD - Gatilyo lyrics

[Verse 1] Luwal sa panahon ng nakapaniping kalayaan Nakakahon sa makasariling kaban*lan Bulag sa paghahari-harian Tamad manindigan, tamad mangatwiran Tayo ang henerasyong nilululong sa luho Isip ay pilit kinukulong sa turo Ng kulturang kanya-kanya Upang mabusog sa pag-unlad na barya-barya Tayo ay inaaliw upang maging abala At nang huwag mag-alala sa pagsasamantala Hanggang malasakit ay masaid Tayo'y minamanhid sa sakit ng ating mga kapatid Lunod na lunod sa mga tsismis at balitang Luhod na luhod sa iilang pinapanigan Lugod na lugod silang nagbabait-baitan Pagka't maledukado, maledukado tayo [Verse 2] Pagmasdan ang bayan, kayamanan ang nasasakupan Nasaan ang katarungan? Panay sakahan, may kagutuman? Sa lawak ng lupa ba't may mga walang matirhan? Kahit magtyaga, walang mapala, natanikala na sa hirap na ‘di maibsan Hungkag ang pag-unlad na sa sambayanan ay humahati At pag dahilan ng pag-angat ng iilan ay pagtapak sa nakararami Pagka't sa daing ay dahas ang cariño Pagmulat ay pagkasa, tayo ang Gatilyo