BLKD - Taksil lyrics

Published

0 230 0

BLKD - Taksil lyrics

Nandyan lang sila, kabi-kabila Mga kaakbay mo sa kanan at kaliwa Kaanak, kaibigang pinagkakatiwalaan Kalimita'y mga hindi mo paghihinalaang Gagawan ka ng anumang mali [Mali] Hanggang sa saktong sandali [Dali] Ng paghapdi ng sariwang sugat sa'yong likuran Saksakan ng tanga na lang ang maituturan Sa sarili, sapagka't nawili Sa panlilinlang nilang mga makasarili Matutong kumilala, bago mamihasa Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala * [Taksil] Nandyan lang sila, kabi-kabila [Taksil] Nandyan lang sila, nagkakaila [Taksil] Nandyan lang sila, saksak ka bigla Hindi lahat ng kapatid ay kakampi [Taksil] Nandyan lang sila, kabi-kabila [Taksil] Nandyan lang sila, nagkakaila [Taksil] Nandyan lang sila, saksak ka bigla Hindi lahat ng kapatid ay kakampi Yung iba simula't sapul handa nang manakit Pakikisama sa'yo'y baitang lang sa pagkakamit Ng ganansyang para lamang sa kanilang kapakanan Kaya sa tamang tyempo, tatapakan ka na lang Yung iba naman ay matagal mo nang kasa-kasama Akala mo ang katapatan ay nakapanata Yun pala sa tamang pakinabang at pagkakataon Pinagsamahan nyo ay kayang-kayang ibaon Sa limot | Ika'y mapapaikot Agad-agad tarak ng panaksak sa pagtalikod Matutong kumilala, bago mamihasa Ang mga tiwaling namumuhunan sa tiwala Repeat * Ito'y babala lang namang marapat na pakatandaan Pagsasamahan ay magaan kumpara sa bigat ng budhing kawatan Kaya't hwag mangmang, magmanman, matutong kumilala Walang masamang magduda lalo't may punto ang hinala Kaya kahit na ating hangad ay pagkakaisa Laging dapat mapagbantay sa pagkakaiba Aral ng kasaysayan, bunga ay peligro Ng pagpapabaya sa mga Hudas at Emilio Mag-imbestiga, mangahas magtakwil Bago pa maunahan ng mga taksil Hwag mabulag sa tiwala at pagtanggi Hindi lahat ng kapatid ay kakampi