Daan-daang taon Sa pagkabusabos tayo'y nakabaon Mula no'ng panahon Ng mga banyagang mananakop magpahanggang sa ngayon Nagbabago lang ang kulay ng kahon Tayo'y nakakulong, dukha, at gutom Hangga't nakaangat mga buwayang nakabarong Pag-unlad ay paurong o gumagapang paahon Masdan, manipulado ang kaayusan Para magsilbi sa naghaharing iilan Pinagkakaitan tayo ng kaunlaran Pagka't puhunan nila ang ating karukhaan Sa kanila tayo'y mga pyesa lamang Ng makinang tagalikha ng Kanilang yamang labis-labis Makinang langis ay ating pawis Sinong mayayaman? [Sila-sila lang!] Sinong namumuno? [Sila-sila rin!] Tayo'y naghahati sa tira-tira lang Habang yaman ng bayan ang kanilang piging Sinong namumuno? [Sila-sila lang!] Sinong yumayaman? [Sila-sila rin!] Tayo'y binuburo sa panlilinlang Sagabal sa pagsulong dapat gibain Walang kapaguran Tayo ang babago sa sumpang kaayusan Papandayin ang mga patakaran Upang pantayin ang mga kalakaran Walang pagmamalabis sa ating paghakbang Panawagan lamang ay mga karapatan At kaunlarang makatarungan Dama sa kalunsuran at kanayunan Matagal na tayong nakikiusap Mga bingi-bingihan dapat nang itulak May hangganan ang lakas ng batikos Dapat may sama-samang pagkilos Demokrasya ay isabuhay Maka-nakararami ang diwang tunay Hindi ibabalik ng mga gahaman Atin nang bawiin ang kapangyarihan Ito'y digma laban sa kagutuman at kahirapan Ito'y digma laban sa pagkakait ng mga karapatan Ito'y digma laban sa pambababoy sa pamahalaan Ito'y digma laban sa pagsasamantala sa sambayanan Inalay man ang buhay Mananatili ka sa aming puso Ala-alang patunay Ang sumugod at lumaban ay patuloy mag-aalab ang sulo Mga kapatid, sugod! [Sugod!] (x16)