Sadlak sa matinding kahirapan Laki sa gutom, pagod, alinlangan Kabataang sawa na sa buhay-alipin Namanatang ubos-lakas na aanihin ang ginhawa Kaya't nag-umpisa Sa bayan at kapaligiran ay nag-obserba Nagbasa, nag-usisa, ‘gang mapag-alamang Ang kasaganahan raw ay para lang sa palaban Kaya't para sindihan ang paninindigan Umanib sa kaisang-isip na kapatiran Sumumpa ng alay-buhay na katapatan Sa samahan umano ng matatapang Walang sinayang na panahon Inaral ang kalaban nagparami ng kampon Nagsanay upang katawan ay mapalakas Natutong humawak at gumamit ng armas Sa wakas, dumating na ang gabi ng pagsalakay Masusubok na ang bunga ng pagsasanay Tanong mo sa sarili sa paglakad nyo “Para san ang tapang mo?” Para sa kalayaan? Para sa karangalan? Para sa katarungan? Para san ang tapang mo? Para sa pangalan? Para sa kayabangan? Para sa kayamanan? Para san ang tapang mo? Bantay-salakay sa kuta ng kalaban Ruta ay naharang, kalkulado ang galawan Dumating nang lasing, inasinta Agad-agad pinaulanan ng mga tingga Sumunod at kulog ng sagupaan Suntukan, paluan, saksakan, at tulakan Sumbatan at murahan, habang nagpapatayan Saka lang sumambulat na away kababawan lang pala ‘to Mga lango sa pagbabato Yabangan sa salitang binigkas sa kamao Agawan ng buhay ng magkakakapit-bisig Bunga lang ng hinala at masamang titig [Pulis! Pulis!] Lahat nagsitakbuhan Wala nang sumaklolo sa mga napuruhan Tanong mo sa sarili sa pagpanaw mo “Para san ang tapang mo?” Para sa kalayaan? Para sa karangalan? Para sa katarungan? Para san ang tapang mo? Para sa pangalan? Para sa kayabangan? Para sa kayamanan? Para san ang tapang mo?