Salamat sa 'yo O’ Bathala
Sa 'yong magandang kalooban
Binigyan mo ako nang pag-asa
Upang ako sa iyo'y laging umasa
Salamat sa iyong kabutihan
Dahil sa iyo ako pa ri’y may buhay
Higit sa lahat ako'y iyong tinuring
Anak na galing sa 'yong pag-ibig
Salamat sa 'yong pagmamahal
Mula sa puso ko at damdamin
Kungdi dahil sa 'yo ako'y wala rito
Maraming salamat mahal na panginoon
Salamat sa 'yong mga pagpapala
Buhay ko ngayo'y muling nagkakulay
Sa dusa’t ginhawa’y ikaw ang kasama
At dama ko ang ligayang walang makakapantay
Salamat sa 'yong pagmamahal
Mula sa puso ko at damdamin
Kungdi dahil sa ’yo ako'y wala rito
Maraming salamat mahal na panginoon