[Verse 1: Apekz]
Pagkatapos sa eskwela, diretso sa lamesa
Ng bahay may papel panulat at walang pake na
May tumutol sa pag abante, maputol man ang kable
Ako'y ispada na habang ika'y isang alambre
Kasabay ng pagrarap ko, ang takda sa pamantasan
Hindi ko iiwan ang hiphop sa mga tampalasan
Na katulad ni ano? At kung sino-sino pa?
Pipigilan mo ako? Bakit pare sino ka?
Sinukahan ko lang ang iba niyang tinula
Nakadiri kasi 'yan para bang pwet na binuka
Puno lagi ang baterya, hindi nagpapahinga 'to
Kahit na trak ang dala mo, laos 'yan sa tamiya ko
Sige ako'y maliitin at kutyain sa tuwing
May laban maliit lamang ang nakakapuwing
Bitaw, lahat ay pasok at maraming kapan*lik
Ikaw? Si Mariang palad palang ang nakakatalik
[Verse 2: Spade]
Tatlong dragon nagsamasama, mga henyo at gifted
Maluwag ang mga turnilyo sa ulo (I'm f**ing twisted)
Praning dahil puyat 'tol, medyo malat pa
Walang ligo't pinagpapawisan maalat-alat pa
Sa mga tugmang pantalastasan hinagingan ko'y bugbog
Dinaig ko pa ng mga sleep walkers, nagrarap kahit tulog
'Di tuyo't malasado, halatadong lyrically ill
[?] sa opening spill
Ako'y siraulong galing banyo, isip ko parang demonyo
Tuwag ang mga humarang malulumpo parang pinolyo
Marka na parang selyo, dinidikit dóon sa sobre
'Di ko kailangan ng damo, pare, solb na 'ko sa El Hombre
Naumay na aking tenga sa mga tunog lata
Ako'ng doktor na gumagamot gamit lang ay abrilata
Kaya wak ang lyrics, sinulat mo pala 'yan?
Itong popsicle isubo mo
Ay! Burat ko pala 'yan
[Verse 3: Shehyee]
Kausap ka pero iba ang nasa isip ko
Mga titig sobrang imposible
Posible lang sa panaginip mo
Utak mo'y mapipilipit, 'bag pinilit, isingit sa isip
Ang mainit na track gamit, ang beat ni Philip
Óo, 'di patangkaran pero
Hindi ka pwede magtangkang tapakan
Parang nakatapak ka ng Lego
Ako ay binatang parang sabaw ng nilaga
Mainit pero kahit lumamig ay walang sebo
Mga letra't pandiwa, humihiwa ang bato
Ito ay giyera na may tema: Ang hari ay ako!
Nagdidilang-anghel, iba ang lebel
Naging abo ang lapis na kahel na hinahawakan
'Di na kailangan lawakan ang katagang malawak pa sa kalawakan
Ginagawang bata ang matanda ng nakalaban
Nagtandang humarang na mukhang matandang mambarang
Na hindi isinaalang-alang ang mga paalalang
Kay Shehyee bawal lumaban, sino ka?
Isa ka namang makatang manan*lo lamang
Sa pakapalan ng mukha!