[Chorus]
[RJAY TY]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
[RON HENLEY]
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay'
[VERSE 1: RJAY TY]
Singkit at papikit na susulat pa ng letra
Makabagong propeta dating ng aking pwersa?
Kahit pa antukin sa dilim ay hinding hindi ma-
Papatulog hinubog ng bilog na buwan ang dila
Matalas kung humiwa, madalang tong humina
Madalas sa kusina masmalakas tong sumipa
Hindi nga? Ang ayaw maniwala edi huwag
Bawal ang sabit patungong langit aming paglipad
‘hit hindi kitang nilalakarang hagdan
Di parin papapigil sa bawat hakbang
Hahanapin ang tamang daan, tatahakin di tatantanan
Di maiisahan lalong bibilisan tiis lang at malalampasan
Ang hirap may ginhawa, lungkot may ligaya
May awa ang Diyos sa kanya'y magtiwala
Sa bawat pagsubok ay merong pagasa
Tuparin ang pangarap pagbangon sa kama
[Chorus]
[RJAY TY]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
[RON HENLEY]
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay'
[VERSE 2: RON HENLEY]
Bumigat at panandalian kong maisara
Baka sakaling makasulat ng isa pa
Nung nasagap ng tenga ang tunog ng trumpeta
Sunud-sunuran sa bagsakan parang buntot ng kumeta
Umapaw ng salita kahit kulang sa pahinga
Binuklat ko yung pahina, bumukas yung makina
Pero utak piniga ko pa makuha ko lang yung timpla
Nagdagdag ng sago sa gulaman naging puto sa akin ang kutsinta
Mga manok na naka-two-piece pa nagiging paniki nakikipagtalik
Sa oras kung saan ang lahat ng lansangan bibihirang magtrapik
Pinutakti ng bubuyog ang nasusunog na bulaklak don sa may halamanan
Nilanghap nila'y usok na lumulunod sa buong pamayanan
Pagtingin ko sa kalangitan iba ang ngiti sa akin ng buwan
Marahil may araw nanaman daw na dapat abangan
Binigyan tayo ng tig-bebente kwatro oras
Nanghiram ako ng apat na pu't walo babayaran ko bukas kaya
[Chorus]
[RJAY TY]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
[RON HENLEY]
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay'
BRIDGE
[Scratches by DJ SPNZ]
VERSE 3
[RJAYTY]
Luminaw at di na muling lalabo pa
Paano ba naman kasi ay alam ko na
Ngayon kung ano ang tamang paraan ng pagtancha
Respetong iniiipon parang mga pisong umaapaw sa
[RON HENLEY]
May alkansha bago ako nagka-
Ron ng buo dumakot muna ko ng katakutakot na barya
Rinig ko ang mga tawa ng lamok
Tsismisan ng mga gamu-gamo kaya di ako dinadalaw ng antok
[RJAY TY]
Pero kahit pa ganun na ang pabaon ng tadhana
Hinding-hindi sususko sumumpa sa mga tala
Madapa't masugatan man ang mali ay itatama
Lahat ay posible pasasalamat kay Bathala
[RON HENLEY]
Palakad-lakad sa tabi gabi-gabi di mapakali
Nakikipagtitigan sa kisame pakape-kape ka pa kasi
Bagong gising yung iba ako'y pahiga palang sa unan
Don ko nakuhang mailagay ang agahan sa hapunan
[Chorus]
[RJAY TY]
Mata'y mulat hanggang sumikat ang araw
Pangarap ay sumikat balang araw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga mata'y
[RON HENLEY]
Mata'y pungay hanggang sumikat ang araw
Pangarap ko lang sana'y marating ang ibabaw
Ligaya ang dala, liwanag ang taglay
Ilawan ang kadiliman hanggang sa mga matay'
OUTRO
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu!
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu!
Yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu nanaman, yatpu-yat!