[Verse 1]
Hindi magkasundo
Nung una tayong magtagpo
Nag-aasaran pa, parang aso't pusa
Inis sa isa't isa
Biglang nagbago
May kung anong naramdaman
Kung 'di ka kapiling tila mababaliw
Nais kang makita
[Pre-chorus]
Ikaw ay mahalaga sa 'kin
Sa iyo kinikilig ako
Habang lumalapit
Lalo sa 'yong nagkakagusto
[Chorus]
At nang dahil sa iyo
Puso'y dugong-dugong-dugo
Sigaw ng puso kong ito
Tanging ikaw ang minamahal ko
Labi ko'y nanginginig man
Masdan mo sarado kong mga mata
Pangarap ko'y ikaw ang unang makayakap ko
[Verse 2]
Nakatingin sa'yo
Nagkunwaring natutulog lang
Naramdaman ko ang pintig ng puso mo
Ay higit pa sa kaba ko
[Pre-chorus]
Nais mang ibigin 'di magawa
Ikaw ang aking sinisinta
Ika'y nag-iisang mahalagang bagay sa mundo
[Chorus]
At nang dahil sa iyo
Puso'y dugong-dugong-dugo
Sigaw ng puso kong ito
Tanging ikaw ang minamahal ko
Labi ko'y nanginginig man
Masdan mo sarado kong mga mata
Pangarap ko'y ikaw ang unang makayakap ko
[Bridge]
At alam ko rin naman na ako ay gusto mo rin
Ang busilak na pag-ibig
Nakaukit sa aking puso
[Chorus]
At nang dahil sa iyo
Puso'y dugong-dugong-dugo
Sigaw ng puso kong ito
Tanging ikaw ang minamahal ko
Labi ko'y nanginginig man
Masdan mo sarado kong mga mata
Pangarap ko'y ikaw ang unang makayakap ko