[Verse 1]
Pantalon, planchadong manggas, o handa ka na ba lumabas
Ginintuang mga kuwintas, amas at iba pang alahas
Magulang mahimbing ang tulog (shhh) tara na't tumakas
Nagipon buong linggo para naman na may pangwaldas
Mahinhin na pagyapak, pagkapa, madilim na salas
Paglabas ng pinto, tila nakalaya ng rehas
Sa akin na ang buwan, sa kanila na ang bukas
Naririnig ko na ang kampanang uma-animas
Kung mas maaga, maiiwasan ang pila na mahaba't
Tinatamasa ng dila ang mapait na lasa
Ng alkohol na sa'king lulunod at magbabasa
Nagpapalimot pansamantala ng lahat ng problema
Malawak na kalsada kung sino sinong dumadagsa
Kahit ipagdugtong, hindi kumpleto parang parirala
Sakay ni manong sa traysikel, barkadang pumuno
Hetong gabing ito sa atin ang mundong ito
[Chorus]
Halika na't gumimik
Tumakas ka't gagala na
Bahaghari ng isipan
Lumabas ng kalawakan
Sumama ka sa himig at makulay na paligid/
Sumama ka sa himig at matuto kang umibig
[Verse 2]
Yung tipong umaga pa lang ay planado na ang lakad
Pagmulat ng mga mata ang oras ay medyo makupad
Ilang buwan ang inantay bago tuluyang itinulak
Ang balak na mas puti pa sa perlas, bulak at ulap
Rosas, polo at sulat para sa hinahangaan
Sana naman ay di masayang, panahon na inilaan
Kakatanong mula pangalan at pangarap na tahanan
Lahat na nga napagusapan, ba't di pa kami magmahalan
Sinundo sa kanyang bahay naka pulang bestida
Mula buhok at kilay, talo pa ibang dekada
Klasiko parang si Nora, pustura ni Angelina
Gilas ni Monalisa Ngiti ni Princess Diana
Sariwang hangin habang, naka hawak sa bewang
Kita ko sayong matang isinasa-larawan
Walang hangang kabataan na di basi sa edad
Dalagang pinangangalagaan ang sariling dignidad, tara
[Chorus]
Halika na't gumimik
Tumakas ka't gagala na
Bahaghari ng isipan
Lumabas ng kalawakan
Sumama ka sa himig at makulay na paligid
Sumama ka sa himig at matuto kang umibig