Gulong gulo ang puso
Saan ba to patungo
Di ko alam 2x
Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan
Di ko alam 2x
Nung ika'y nilalamig ako yung init
Kapag takot sa bukas ako yung unang sisilip
Ginawa ko nang lahat hindi parin sapat kasi
Ikay mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig yung dating nagbabaga
Kung mainbabalik lang sana
Titiisin ko na kahit paulit ulit
Tapos pipilitin ko na di maulit
Ang masulyapan mo ang dulo
Akala ko walanag hanggan pero may dulo
Bawat segunndo saking puso iuukit
Lahat ng alalala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan pero eto tayo sa dulo
(instrument)
Kelan ka ba napaso
Nanlalamig na ang iyong braso
Bakit ganyan 2x
Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Saan galing ang galit
Meron bang nangaakit
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan 2x
Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit di kabisado
Gagawin ko ang lahat
Walang pake kung di sapat
Kasi ikaw ay mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana
Nanlalamig yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan bat merong dulo
Ibibigay ko ang lahat paulit ulit
Bawat pagkakataong ay aking isusulit
Basta matalikuran mo yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan bat andito tayo sa dulo
Ohhh ohhh ohhh ohhh
Sa dulo ohh ohh ohhh ohhh
Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin
Tinataboy na ba ng langit
Nakikiusap nalang sa hangin
Ngayon wala kana saakin
Bakit ba biglang meron tayong dulo
Pangako mo walang hanggan
Bakit nandyan ka sa dulo
Pwede bang kalimutan mong may dulo
Handa ako sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Kala ko walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo
(instrument)
Kung ikay mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan minsan
Dito lang ako di ako lilisan
Sa ating Dulo hindi ako lilisan