~Start~
Napag Isipan mo ba?, nung lumisan ka
Nagtatanong kung nagkulang nga ba?
'Di na nga ba tayo masaya?
Pinipilit na lang bang isipin
Na ayos pa ang lahat
Lahat ba'y di naging sapat?
Mas piniling iwanan na lang ang lahat
Nagugulumihanan sa puso mong nagtatapat
Dahil kahit hindi na ako
Ikaw pa rin ang pinipili ng pusong ito
Nag hihintay lang sa pag babalik mo
Umaasang maibabalik pa ang dating tayo
Handa na akong masaktan muli
Malasap lang ang kasiyahan kahit sandali
Di na bale kung tama pa ba to o mali
Di na kailangan sabihin, ikaw ang pinipili
Handa nang maging masaya
Kahit na pansamantala
Ngingiti ng tunay hangang sa mata
Kalimutan muna ang problema
Ako na lang ba ang nag iisip
Na tayo ay masaya, na dati'y maibabalik pa
Ako na lang ba'ng nag sasabing
Na ayos pa ang lahat, na ang lahat ay sapat
Dahil kahit hindi na ako
Ikaw pa rin ang pinipili ng pusong ito
Nag hihintay lang sa pag babalik mo
Umaasang maibabalik pa ang dating tayo
Handa na akong masaktan muli
Malasap lang ang kasiyahan kahit sandali
Di na bale kung tama pa ba to o mali
Di na kailangan sabihin, ikaw ang pinipili
Nandito lang ako
Nag hihintay sa pag babalik mo
Nandito lang ako lagi
Handang pilit kang mapangiti
Ikaw lang ng paulit-ulit
Ikaw ang pinipili
Ikaw lang hangang sa huli
Ikaw lang ng paulit-ulit
Ikaw ang pinipili
Ikaw lang hangang sa huli
Dahil kahit hindi na ako
Ikaw pa rin ang laman ng pusong ito
Nararamdaman mo man ay naglaho
Pag-ibig ko sayo'y 'di mag babago
Handa na akong sumugal muli
Araw-araw na lang, Ikaw ang pinipili
Di na bale tama pa ba to o mali
Ikaw lang ng paulit-ulit
Ikaw lang ng paulit-ulit
Kahit na minsan ay masakit
Tatanggapin ka ng paulit-ulit
Kung ika sakin ay bumalik
~End~