Ser baka pwede nateng pag- Usapan ang aking kasalanan Baka pwedeng kalimutan Sa bawat sulok ng aming bayan Dito halos lahat ay nababayaran Pabor kay ganito pabor kay Ganyan kapalit ng tulong Nagpatong na utang Pagdating ng singilan utang Na loobang kabayaran Nasaan na silang binaon Sa nakaraan Pagtangis ng aming bayan Dama ng aming kalooban Pelikula't politika tila iisa Matira ang matibay Karnabal na sistema Lahat gustong bumida Magpaikot ng istorya Sa aming paningin lahat Ay kontrabida Nauulol tumataholbumubula
Ang laway Lumalabas ang pangil Tumutubo ang sungay Espadahan ng salita Sino ang kawawa? Lahat daw sila ay tama Lahat kami kawawa Naturingan kang may Pinag aralan Ngunit bakit kayo ang Dahilanng kaguluhan? Nais lang naman ni juan Na mabuhay ng karaniwan May kasaganahan at bubong Na masisilungan Para saan ang sinumpaan Kung babaliin din naman Masakit isipin nabababoy Ang bayan na kinalakihan Nilagay mo ang kamay sa Tapat ng yong puso sabay Sabi mo pa ang mamatay ng Dahil sayo Masasagip ka ba?