[Verse 1]
Nagtatanong ka ba kung bakit 'di sapat?
Anuman ang 'yong gawin may kulang pa rin
Kung ika'y naguguluhan at walang mapupuntahan
Palagi mong tandaan 'di ka nag-iisa kailanman
[Verse 2]
Alam ang hirap na 'yong pinagdadaanan
Sa ganitong oras natin nalilimutan
Ngunit 'wag kang pumayag na
Bumitaw iyong puso dahil pag-ibig ay kapangyarihan
[Chorus]
Buksan ang 'yong mata kung saan saan makikita
Hiling na pag-asa ibibigay sa'yo basta't
'Wag ka lang susuko
May hiwaga kung ika'y maniwala,
Ika'y maniwala, maniwala, maniwala, maniwala
Ohhooh, maniwala, maniwala, maniwala, ohooh
[Verse 3]
Naghahanap pa ng makakapitan
Karamay sa mundong walang kasiguraduhan
Malayo man ang daan ika'y dadamayan
May pag-ibig na naghihintay
[Chorus]
Buksan 'yong mata kung saan saan makikita
Hiling na pag-asa ibibigay sa'yo basta't
'Wag ka lang susuko
May hiwaga kung ika'y maniwala,
Ika'y maniwala, maniwala, maniwala, maniwala
Ohhooh, maniwala, maniwala, maniwala, ohooh
[Bridge]
Sa mabuti sa pag-asa, sa pag-ibig
'Wag kang tumigil na maniwala
[Chorus]
Buksan iyong mata kung saan saan makikita
Hiling na pag-asa ibibigay sa'yo basta't
'Wag ka lang susuko
May hiwaga kung ika'y maniwala
Ika'y maniwala, maniwala, maniwala, maniwala
Ohhooh, maniwala, maniwala, maniwala, maniwala