Tipo bang walang magawa
Tipo bang sawang-sawa ka na sa buhay
Ganyan ang pirmeng nangyayari
Sa laging nakakulong sa bahay
Hindi sapat ang managinip na lang buong araw
‘Di sapat ang magkamot na lang ng tiyan
Ang tanging gamot sa kainipan ay
Maglakad sa lansangan
Kay raming makikita
Igalaw ang iyong paa
Maglakad sa lansangan
Isuot ang iyong sapatos, tsinelas o bakya
At kung ika'y ganahan – puedeng magpaa
At maglakad nang dahan-dahan
Huwag kang maghabol
Iyo ang panahon, easy lang
Maglakad, pagmasdan sari-saring hayop
Mga manok na nagtatawiran
Asong nagliligawan
Pusang nagpapa-araw
Naliligong kalabaw
Kambing nagmemerienda
At marami pang iba
Maglakad pagmasdan - sar-saring mga tao
Mga lolang nakatabako, mga nagkukutuhan sa hagdan
Mag lolong de baston, mga batang -walang pantaloon
Nagkekembutang mga dalaga, at marami pang iba
Maglakad sa lansangan - sariwain ang isipan
Tanggalin ang iyong inip - luwagan ang ulong naninikip
Maglakad sa lansangan
Kay raming makikita
Huwag kang maghabol
Iyo ang panahon, easy lang