Nais kong lumipad tulad ng agila
At magpalutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang
At maaring di matupad
Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan
At pag walang puno wala na rin mapupugaran
Kapag ang agila'y walang pugad
Wala na silang dahilan limipad
O haring ibon – hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay
Kung nais mong makakita ng agila
Huwag kang tumingala at tumitig sa langit
‘Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitira'y bihira ng magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyang ng mawawala
O haring ibon – hari kong tunay
Nais kong tumulong
Nang kaharian mo'y muling mabuhay