[Verse 1] Mahulog man sa kawalan Ay hindi pa rin bibitaw Matakot man sa ‘di alam Ay hindi pa rin aayaw [Pre-Chorus] Sa istorya kong ito ‘Di papayag na matalo [Chorus] Pangarap kong abutin Nagkikinangan na bituin Susugod kahit ano man ang harapin Pangarap ay aking aabutin [Verse 2] Suyurin na ang kalawakan Ang tala’y huwag pakawalan
Kumilos, pagtagumpayan Ang pangarap na inaasam [Pre-Chorus] Sa istorya kong ito ‘Di papayag na matalo [Chorus] Pangarap kong abutin Nagkikinangan na bituin Susugod kahit ano man ang harapin Pangarap ay aking aabutin [Pangarap kong abutin] Nagkikinangan na bituin Susugod kahit ano man ang harapin Pangarap ay aking aabutin