Ayoko na sanang mag mahal muli
Nang dumating ang isang katulad mo
Nabihag mo ang puso ko sa iyong ngiti
Ang alindog mo ay nakakabighani
Ako'y nalilito, Paano ba ito
Hindi ko alam ang gagawin, Ako'y nahihirapan na
Pipigilan ko ba 'to o mahuhulog ako sa iyo
Tadhana ba na makilala kita
Na magtagpo ang ating landas sana'y totoo
Tadhana ba o nagkataon lamang ang lahat ng ito sana'y ikaw na nga
Sana'y ikaw na nga
Gabi-gabi ika'y laging nasa isip ko
Inaalala ang mga bawat lambing mo sa akin
Aasa ba o sadyang pilingero lang ako
Para sa'yo kaibigan lang ang tingin mo sa akin
Ako'y nalilito, paano ba ito
Hindi ko alam ang gagawin, ako'y nahihirapan na
Pipigilan ko ba 'to o mahuhulog ako sa iyo
Tadhana ba na makilala kita na magtagpo ang ating landas sana'y totoo
Tadhana ba o nagkataon lamang ang lahat ng ito
Hindi ba halata na nahuhulog na ako sa iyo
Mahal mo ba ako o sadyang pakiramdam lang ito
Sa bawat lambing mo ay may kahulugan
Tinadha nga tayo, tinadhanang mag kaibigan
Tadhana ba........
Mag kaibigan lang pala tayo..
Tadhana ba na makilala kita na magtagpo ang ating landas sana'y totoo
Tadhana ba o nagkataon lamang ang lahat ng ito
Sana'y ikaw na nga
Sana'y ikaw na nga
Sana'y ikaw na nga
Sana'y ikaw na nga
Ayoko na sanang mag mahal muli.....