Verse 1: Nagkakape habang nag iisip dapat gising Ang lakas ko ng magyosi, ngunit baket laging bitin? Baket ginugusto ang sa sarili magpawasak? Kakaibang pakiramdam nananatili ang pahamak Naglalakad ng may saya natutuwa sa araw Parang ibon na malaya, kaluluwa ng bayan Kaya mapungay ang mata, lahat inaalam ko na Sinasabayan ang paglubog ng araw, nalulungkot na parang buwan Asa gitna ng dagat, mag isang nagsasagwan Nakikipagsapalaran, pangarap ang laman Kaya mataba ang aking utak, lahat sila nagsisipag Ako nagtatyaga, dahil sa magkakaibang pangarap Na hanap ng bawat isa, nawa'y maganap kahit magkakaiba ang timpla Kahit laging pakiramdam ko mag isa Naniniwala't umaasa parin na balang araw o bukas ihip ng hangin sakin ay magiiba
Chorus: Samahan mo ko na mangarap, lilipad sa alapaap Wag kang kukurap. Saksi ang mga ulap sa pagsulat Saking palad, ang tadhana ay natutuwa 2x Verse 2: Maraming nagtanong sa paligid, baket daw tahimik? Simple lang sagot, nag-iisip, nagmamasid Hindi normal katulad ng iba, iniisip pag angat Humarang saken ay giba Imahinasyon dulot ng pagkabagot Mga likhang ilusyon, problema ay nasasagot Hirap intindihin, iba ang kulay sa nakasanayan Hindi lahat ng tunay ay nasisilayan Chorus: Samahan mo ko na mangarap, lilipad sa alapaap Wag kang kukurap, Saksi ang mga ulap sa pagsulat Saking palad, ang tadhana ay natutuwa