(Chorus) Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila. Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta Ngayon sabihin mo sa akin, Paano mo ginagamit ang tinta. Ahh , ahh, ahh, ahh Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh. (Verse 1) Nagsimula ang lahat na aking mahawakan ang papel At panulat habang ako'y tinuturuan ni nanay Habang sya's naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit Isinusulat at dapat deretso ang mga letra Na parang pertsa sa kalendaryo, Mag basa sa aklat kung minsan nama'y komiks at dyaryo Ng sa gayo'y mapalawak ang aking bokabularyo At hindi imbento na parang gamot ng albularyo. Nag-aral. Isa, dalawa, tatlong baytang na elementary Natapos sa ika-anim. Ngunit walang medalyang Nakasabit sa aking leeg, Ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay Pagkatapos mamasada. Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha Mga salitang magkatugma na ang tawag ay tula, Ngunit may nagsabi sa akin, "Ris, pagnaron ka na, sabihin mo sa akin. Kung paano mo ginamit ang tinta." (Chorus) Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila. Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon sabihin mo sa akin, Paano mo ginagamit ang tinta. Ahh , ahh, ahh, ahh Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh. (Verse 2) Paggising mo sa umaga, maliligo ka sa banyo, Papasok ka sa eskwela, manghihingi ka ng baon, Kung titigna'y wala kang pinagkaiba sa lahat. Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat Ng isang makatang lagging titingalain ng lahat Ang mga awit na ikaw lamang ang may alam ng pamagat. Na baling araw ay sasambitin, awit mo'y kakantahin Ng lahat ng batang tulad mo'y pangarap rin. Ngunit ngayo'y nagsisimula ka pa lang Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang Kahit na ito'y mabagal na parang nakasaklay Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay At walang makakapigil, kahit minsan ay parang Wala ka ng maayos na lupnag pwede mong lakaran Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo sa akin, Kung paano mo ginamit ang tinta? (Chorus) Pwedeng asul, pwedeng itim, pwedeng pula Pwedeng iba, ang mahalaga'y kung ano ang maiintindihan nila. Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta Ngayon sabihin mo sa akin, Paano mo ginagamit ang tinta. Ahh , ahh, ahh, ahh Ahh, ahh, ahh, ahh, ahh, ahh.