Kislap ng mga ilaw Sigaw at palkpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit ... Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan Mula una hanggang sa ika-anim na baitang Lubid ng aking turumpong nakatali sa'king baywang Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy Di mamahalin ang damit simula sa umpisa At ang aking pantalon ay di limang daan ang isa Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig Kislap ng mga ilaw Sigaw at palkpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit ... Ibalik mo ako sa mga araw na Nakadungaw sa bintana sige mangarap ka Magrap ka nga dito sa vitaris bumanat ka Baka mahulog ka sa jeep Pare humawak ka Ibalik mo ako sa araw na ko'y dinugas Akala ko kaibigan, kaya naging tagahugas Ng pinggan sa iba't ibang restaurant
Dun mo subukang magapply Pare da' best daw yan Lampas sa minimum ang sweldo Libre ka pa sa kain Di pwedeng pansustento Di malayong hikain Sa init ng kalan, lutuin mo isang banyera Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera Ng mga manggagawang pinoy, may among mayamang tsinoy Gusto kong bumalik sa mga panahong noong ako'y Nanan*langing palarin, mga adhikai'y makain Malupit na makata kung tawagin Paborito kahit di taga-samin Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib Walang palakpakan at sigawan na nakakatulig Upang ang tinig mo lamang ang aking marinig Kislap ng mga ilaw Sigaw at palkpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit ... Kislap ng mga ilaw Sigaw at palkpakan Ang lahat ng mga tao'y Alam ang aking pangalan Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit 'to Yakapin mo, isipin mo Baka di na maulit ... Ibalik mo ako sa mga araw na 'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka Ibalik mo ako sa mga araw na 'Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa Nang Sa kabila ng lahat ay madalaw ka At makausap ...