[Chorus:]
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Dedma, yan ang dapat mong gawin
'pag narinig ang bawat salita
Na basa ng laway sa aking bibig
Na aking dinudura sa mga pagmumukha
Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula
Wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya ?
Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya
Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika
Malamang sa malamang kung di kilala lugi ka
Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sa akin
Ang indi mo nakikita, susubukan kong baguhin
Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram
Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan
Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang
Ilang taon ang dumaan, bakit napagiiwanan
Hindi ko po kayo pinangungunahan,o dinidiktahan
Dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Alam kong di ito madali at medyo mabigat
Pero kung susumahin ang importante lang sa lhat
Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap
Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap
Nang wala nang batang namamalimos at nakaapak
Wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak
Libre ang makapagaral, hustisiya'y di mabagal
Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal
[Chorus:]
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman
Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente
Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente
Lahat ay mya bubong , lahat ay may dingding
Kung walang makian, di magsasangla ng singsing
Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa
Sa dagdag-sahod ay di kailangang magmakaawa
Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay
Kapag napatunayan , ikulong lahat sabay-sabay
Kase walang mayamayaman,dapat maya-maya lang
Tinuturuan ng leksyon , mga mayamayabang
Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno
Nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang pursyento
Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat
Kinakalawang na pinto sabay nating itulak
Laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan
Dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman
[Chorus:]
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman
Wag Mo kong pansinin
Wag mo kong pakinggan
Pagkat ang sinasabi ko
Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman