Naputulan ng paa pero di sya tumakbo
Naputalan ng kamay pero di sya tumakbo
Naputulan ng kuko pero di sya tumakbo
Pero di sya tumakbo pero di sya tumakbo
Sinong takot? sinong tumitiklop?
Sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod
Hindi takot hindi tumitiklop
Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa
bewang ng supremo
Akoy kasing tigas ng bakal
Binabad sa apoy para lang mapalambot
Supremo
Di ako marunong umangal
Kahit na ako'y may martilyong sinasambot
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Braso, kamay, ulo, pangalan
binitbit sa digmaan
Nalasahan ko na
Kaya siguro ganito ang aking pagkakahulma
Sa paraan ng pag gamit sakin hindi nagtaka
Agad nalaman ko na minsan ay kailangan mong itarak
Dugoy dumanak nang malaman ang balak
Ng iba na ang tanging hangad ay ang malamang
Kapag may nililitis ako ang laging naka abang
Pag mayrong nahatulan at di makati ang baril
Dahil sanay pumutol ng kahoy akong taga kitil
Pero kung minsan ay nagtatanong may napuntahan ba
Ang walang tigil na pag daloy ng sapa na pula
At sa palengke ng dahas di kailangan bumili
Ang pilit na sinasabi sakin ng pluma ni Jose
Tingin ko yun ay mabagal ito ang mabilis
Ako nga po pala ang itak ni gamit ni Andres
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Aking dinanas
Pilit tinanas
Hanggang tumalas ang iisang ngipin ko
Sinong takot? sinong tumitiklop?
Sinong tumatakbo pag ang kalaban ay nariyan sa likod
Hindi takot hindi tumitiklop
Handang lumaban ng sabayan kapag binunot ako sa
bewang ng supremo