[1st Verse:]
bakit mo ba pinapakealaman ang
mga ginagawa ko teka meron kabang alam
sa mga nangyayari sakin tinapanimulan
na walang kahumpay humpay na kamalasan
teka muna diba mayaman ang iyong ama
oo nga e baket nagrereklamo kapa
kasi unang-una hindi nya binibigay ang mga
kailangan namin di na malaman ng aking ina
kung kanino nangutang umutang pautang ulit
pati pambayad namin sa ilaw ay laging gipit
listahan sa tindahan na habang pilipilipitin
na salabat nagsialibang mga sitsiritsit
lahat yan ay kasalanan ng ama kong magaling
kaya kung minsan ay di ko maiwasang hilingin
na mawala ng tuluyan dito saking paningin
ilagay sa ataol at tuluyan ng ilibing
anong ilibing sino na naman ang namatay
wala pa naman pero baka sumunod si itay
sa panaginip ko lamang naman nailalabas
ang aking galit tanong ay bakit napakagilas
na tadhana, na masagana
mga taong hindi inaalintana
ang tulad mo na laging nasa bintana
iniintay na lumuhod ang mga tala
e panu yan malapit ng bayaran ng tuition fee mo
kelan yan alam ko naman ang bahay ng ama ko
teka nako mukang may balak ka na masama
bat mo alam kase wala kong tiwala sa yong muka
mauuna na ako may pupuntahan pa ako
kita tayo sa sabado tatapusin ko lang ito sige
akala mo di ko alam kung san ka pupunta
kahit na nauna ka sinundan parin kita
[Chorus:]
teka nga muna tigilan mo yan masama yan
wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
simula ngayon wala ng pakialamanan
pero masama yan teka masama yan
teka nga muna tigilan mo yan masama yan
wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
simula ngayon wala ng pakialamanan
pero masama yan teka masama yan
[2nd Verse:]
napakaganda nga pala ng bahay ng aking ama
na dapat din pala sanang bahay din ng aking ina
pero bakit sila tinuturing nya kaming iba
kinalimutan din ng inay ya ngayon ako naman ang babawi
sa kayamanan ako namang hahati
pero teka pano yan wala ka namang susi
sawa na ko na palagi na lamang lugi
wag ka maingay manuod ka ng mabuti
pagkatapos ko maibukas ang kandado
buti na lamang wala ata silang aso
hoy tingnan mo kung tulog na ang mga tao
wala na kaya pinasok ko ang kwarto
ng aking ama na nasa opesina kinuha maleta na
punung puno ng pera
pero bago yan ay meron nakitang batang may dalang magazine
na di dapat siya ang tumitingin, sino ka
agad ako napasigaw pero di ko nilakasan kasi baka maligaw
ang mga gwardya ng biglang merong pumasok na isang dalaga
akala ko walang sinabe nung una
hindi ko alam magaling pala manipa
teka bakit ka nagpakita
panu yan bilisan mo sige salag
iwanan mo na lamang kaya baka mabalibag
yuko dapa talon anu bang masakit
binalaan naman kita ikaw lang ang makulit
pero malupit kita mo naman nakatalon
napakayabang mo talaga wag kana lumingon
sige ka baka dumating ang mga pulis
madami na tayong pera ngayon halika bilis
[Chorus:]
teka nga muna tigilan mo yan masama yan
wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
simula ngayon wala ng pakialamanan
pero masama yan teka masama yan
teka nga muna tigilan mo yan masama yan
wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
simula ngayon wala ng pakialamanan
pero masama yan teka masama yan
teka nga muna tigilan mo yan masama yan
wala kang mapapala bitawan mo na nga yan
simula ngayon wala ng pakialamanan
pero masama yan teka masama yan
Gloc 9 - Masama Yan lyrics
Album G9