[Verse I:] Natatandaan mo pa ba kung ano ang tunay na kulay ng tubig Sa batis sa mga bata na nagnanais na magtampisaw Tanging ikaw at ako lang ang makapagbibigay Ng kasagutan sa kung saan ba talaga papunta Ang mga puno sa gubat wag tayong magulat Kung isang araw tayong lahat ay mamumulat Na wala ng hangin na papasok pa sa ating katawan Ang lahat ng ito ay dahil sa ating kagagawan Kung meron pang natitirang malasakit sa kalikasan Kapit kamay tayong lahat magtulungan Samasamang umawit kami ay yong sabayan [2x] [Chorus:] Bundok ng basura Ilog na nanan*lanta Hangin na lason ang isip Tanim na sa isip ko't kamalayan Puno, nangingibang bayan Ulan dala'y karamdaman Tubig na malinis binibili Baka pati ang hangin sumunod [Refrain:] Tabi tabi po sa mga magulang namin May nais lang sabihin sa inyo Ang nagiisang mundong iniiwan nyo sa amin Paka ingatan lang ng husto Tabi tabi po sa mga magulang namin May nais lang sabihin sa inyo
Ang nagiisang mundong iniiwan nyo sa amin Paka ingatan lang ng husto Paka ingatan lang ng husto [Verse II:] Gano pa kadaming buhay ang dapat nating ialay Upang mapakinabangan ang bawat butil ng palay Na palaging nasisira kapag umulan Wala ng puno sa gubat kaya di na mahadlangan Ang pagkalason ng hangin Ang tangi naming dalangin Ay may abutan pa ang mga susunod pa sa atin At di na sana maamoy kung gano kabaho ang Ilog na dati'y palagi kong nilalanguyan Ang napakalawak na lupang puno lamang ng basura Di mapaglalaruan ng mga susunod na bata Na syang sasalo sa ano mang ating pinag gamitan Kaya sama sama nating alagaan ang kalikasan Bulok ang ani sa dagat Lason ang baboy at baka Bukid sa lalawigang malinis Tanaw lang sa textbook ng paaralan [Repeat Refrain] Wag hintaying maubos ang gubat Bago tayo sa problema'y mamulat Bigyang pansin ang taghoy ng ating ina Ngayon, ngayon [Repeat Refrain]