[Chorus]
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan
[Verse 1]
Nasubukan mo na bang mangarolin pag pasko sa tabi ng riles
Sa kahirapan ng buhay laging gulay noche buena mo ay dilis
Lumalamig ang simoy ng hangin pero wala ka namang jacket
Kung trabaho ko lang ay maid na wala kang pera pero teka muna ni wala ka ngang wallet!
Habang lahat ay nag shoshopping wala kang magawa kundi humimbing
At pagkagising kayod para makakain laging sinasalubong ng hangin
At ano ba sa palagay mo ang dapat na gawin ng isang tulad
Ko na sa pasko ay mas mabuti pang mabingi at mabulag
Habang inaawit ang
[Chorus 2x]
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan
[Verse 2]
Habang ang mga ibang bata'y puro bago at sa kapatid mo'y luma
Sabihin mo sakin kung pano ko pipigilin ang luha
Pero teka lang meron nang pambili ng bigas na hindi pwedeng pangregalo
Kahit ano gawin ay madilim parin kasi naputulan na kami ng meralco
Hindi makapagsimba ka si ko nawalan ng pamasahe
Tuwing may handaan ay laging hindi ka makasali
Pati na mga namamalimos na mga bata sa kalsada
Hanggang sa susunod na pasko ay may magbago sana, para makaawit ng
[Chorus 3x]
Pasko na naman, o kay tulin ng araw
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan
Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan