CHORUS: Ayaw niya nang sumakay sa kotseng maganda Gusto niya rin daw maranasang maglaba Nang tanungin ko agad na isinagot niya Ako ay natumba (teka pakiulit nga) Tatay ko businessman Natutuwa 'pag nakakita ng barya Ok lang daw siya kahit na tira-tira Sawa na raw siya sa buhay na marangya Nang mapasakin siya (di ko naman alam na) Tatay mo ay businessman I. Ako'y nabihag mo nung una tayong magkasama sa tindahan ng lumpia ni Mang Karding Inubos mo basta't wala kang arte kahit na sa mumurahin lang kita At tambay sa ukay-ukay, bumibili siya ng pangtulog niya CHORUS: Ayaw niya nang sumakay sa kotseng maganda Gusto niya rin daw maranasang maglaba Nang tanungin ko agad na isinagot niya Ako ay natumba (teka pakiulit nga) Tatay ko businessman Natutuwa 'pag nakakita ng barya Ok lang daw siya kahit na tira-tira Sawa na raw siya sa buhay na marangya Nang mapasakin siya (di ko naman alam na) Tatay mo ay businessman II. Palagi kang nag-aabang ng jeep at tricycle Doon sa may amin, Cubao ilalim Kahit na mapawisan pa ang kutis niya Wala kang arte kahit na sa mumurahin lang kita Maitambay sa ukay-ukay, bumibili siya ng pangtulog niya
BRIDGE: May tao sa bahay namin na tagasalansa ng salapi Meron ding tagagulo upang ayusin lang muli Tinatapon na kapag 'di na unat o natupi Kapag nagbabayad ay 'di na humihingi ng sukli Sampu ang aming ref, isa lamang ang sa pagkain Ang iba ay tambakan ng pera na bawal bilangin Araw-araw may handaan kahit walang kumakain Mahal lahat sa mesa namin ang libre lamang ay hangin Laging todo tumaya, 'di ko maikaila Na bawal sa pitaka kung 'di rin lamang tatlo ang mukha 'Di mahilig sa daan, kahit na tipo ay libo Mapapalingon sa milyon, ang ambisyon ay bilyong piso At ang kinahantungan ay ang parang kawalan Ng pakialam sa tunay na ibig sabihin ng ilan O kanino, sayo, sa akin o kanya Kahit na hawak mo na, lahat ng yan ay sayo ba? Kaya! CHORUS: Ayaw niya nang sumakay sa kotseng maganda Gusto niya rin daw maranasang maglaba Nang tanungin ko agad na isinagot niya Ako ay natumba (teka pakiulit nga) Tatay ko businessman Natutuwa 'pag nakakita ng barya Ok lang daw siya kahit na tira-tira Sawa na raw siya sa buhay na marangya Nang mapasakin siya (di ko naman alam na) Tatay mo ay businessman