Tanaw ko pa rin ang iyong paglisan
Dama ko pa rin ang sakit ng paalam
At kung ako ang tatanungin,
Ay ayoko ng maniwala sa tadhana
Magaan lang pala ang iyong damdamin
Tinangay mula sa akin
Masasanay rin ako, na hindi na ako kabilang sayong plano
Masasanay rin ako, na hindi na ako ang bida sa yong kwento
Masasanay rin ang puso kong wala kana
Masasanay rin sa buhay ay nag iisa
Ngunit kung sakaling lilingon ka pa
Kahit saglit, Pahinging saglit
Ikaw ang aking unang hakbang
Ngunit sa dulo ay hindi na natagpuan
At kung ako ang tatanungin ay gusto ko ng tumakbot lumisan
Ngunit kay bigat pa rin ng damdamin
Ikaw pa rin ang dalangin
Masasanay rin ako, na hindi na ako kabilang sayong plano
Masasanay rin ako, na hindi na ako ang bida sa yong kwento
Masasanay rin ang puso kong wala kana
Masasanay rin sa buhay ay nag iisa
Ngunit kung sakaling lilingon ka pa
Kahit saglit, Pahinging saglit
Parte ng paglimot ang pag alala
Sa iniwan mong espasyo ay masasanay rin
Masasanay rin ako, na hindi na ako kabilang sayong plano
Masasanay rin ako, na hindi na ako ang bida sa yong kwento
Masasanay rin ang puso kong wala kana
Masasanay rin sa buhay ay nag iisa
Ngunit kung sakaling lilingon ka pa
Kahit saglit, Pahinging saglit
Kahit saglit, Pahinging saglit
Kahit saglit, Pahinging saglit
Magaan lang pala ang iyong damdamin
Wala ka na sa akin