Madalas ka bang nag-aalangan Kung maalwang buhay ay makakamtan Kung magandang bukas ay madaratnan Kung makatarungang kaunlaran Ay mararanasan pa ng mga tulad mo Karaniwang tao Mga kayod-kabayo, wala mang trabaho Mga tila pinagkaitan ng pagbabago ‘Ka mo, ginawa't ginagawa nyo ang lahat Buto't bala't banat ‘di pa rin makasapat Pa'no aangat, ultimo pangkain ay salat Wala nang mapasukan hahamakin pang tamad Pwes dapat maunawaan mo Hindi lang ikaw ang nagkakagan'to Krisis – sa buong bayan nakadagan Kayang wakasan basta't laging tandaan * May! Pag! A! Sa! May! Pag! A! Sa! May mga problemang
Partikular sa bawa't isa sa atin Pero may mga problemang Panlipunan, pasan-pasan nating Lahat | Kaya't dapat maunawaan Pagbabagong pansarili lang ay may hangganan Kaya't magsikap man, hangga't pareho lang Ang sistema, pag-angat ay kulang-kulang Makatwiran lang na magtulungan Upang mga hakbang ay gumaan Nasa pagkakaisa ating kapangyarihan Kabayanihan ating pagbabayanihan Kaya't tandaan ang kapalaran mo Nakaugnay sa mga kababayan mo Krisis – sa buong bayan nakadagan Kayang wakasan basta't laging tandaan Repeat * MAY makabuluhang PAGbabagong Aanihin basta't SAma-sama