[Verse 1]
Luwal sa panahon ng nakapaniping kalayaan
Nakakahon sa makasariling kaban*lan
Bulag sa paghahari-harian
Tamad manindigan, tamad mangatwiran
Tayo ang henerasyong nilululong sa luho
Isip ay pilit kinukulong sa turo
Ng kulturang kanya-kanya
Upang mabusog sa pag-unlad na barya-barya
Tayo ay inaaliw upang maging abala
At nang huwag mag-alala sa pagsasamantala
Hanggang malasakit ay masaid
Tayo'y minamanhid sa sakit ng ating mga kapatid
Lunod na lunod sa mga tsismis at balitang
Luhod na luhod sa iilang pinapanigan
Lugod na lugod silang nagbabait-baitan
Pagka't maledukado, maledukado tayo
[Verse 2]
Pagmasdan ang bayan, kayamanan ang nasasakupan
Nasaan ang katarungan? Panay sakahan, may kagutuman?
Sa lawak ng lupa ba't may mga walang matirhan?
Kahit magtyaga, walang mapala, natanikala na sa hirap na ‘di maibsan
Hungkag ang pag-unlad na sa sambayanan ay humahati
At pag dahilan ng pag-angat ng iilan ay pagtapak sa nakararami
Pagka't sa daing ay dahas ang cariño
Pagmulat ay pagkasa, tayo ang Gatilyo