Wala na yata pag-asa
Iniwan na kong nag-iisa
Mukhang ika'y maligaya
Mas maligaya sa piling nya
Hindi ko kayang pigilin ka
Gusto ko lamang na sabihin na
Kung kailangan mo nang lumayo
Iintindihin ko
Kung bitawan man ang puso ko
Iintindihin ko
San ba ako nagkulang
Binigay ko naman ang lahat-lahat
Minahal kita nang lubusan
Ngunit ngayon ako ang sugatan
Hindi ko kayang sisihin ka
Gusto ko lamang sabihin na
Kung kailangan mo nang lumayo
Iintindihin ko
Kung bitawan man ang puso ko
Iintindihin ko