Kahit anong gawing pag-iwas
Pilit pa rin kitang hinahanap
Kahit ilang araw na ang lumipas
Hindi pa rin sa'yo makatakas
Nakalimutan mo na ba?
Baka naman ako'y nandyan pa
Iyo sanang madama
Bawat pan*langin ko,
Sana'y di na mag-isa
Isipin....
Limutin....
Bakit di magawang ika'y lisanin?
Pilitin....
Sabihin mong hanggang dito na lang
Abot-tanaw....
Ako ay natutunaw
Mga mata ko'y naliligaw
Sa sikat ng iyong araw
Pag-asa'y unti-unting nalulusaw
Isipin....
Limutin....
Bakit di magawang ika'y lisanin?
Pilitin....
Sabihin mong hanggang dito na lang
At kung hindi ka na babalik
Aantayin ng kita sa langit
Isipin....
Limutin....
Bakit di magawang ika'y lisanin?
Pilitin....
Sabihin mong hanggang dito na lang
Hanggang dito....
Hanggang dito....
Hanggang dito....
Hanggang dito....
Hanggang dito....
Hanggang dito....
Hanggang dito..............