Verse I:
Nagsimula lahat sa simpleng tinginan,
Simpleng ngitian, palitan ng liham.
Madalas pinapauna sa pintuan,
Sige po, mauna na kayo.
Hanggang sa paglayo, sinusundan ng tingin
Puso’y tumitibok, ng mabilis ‘di mapigil
Nang ika’y lumingon, ako’y natunaw
Puso’y napukaw...
Chorus:
Kahit na malayo ka walang problema
Kahit na masungit ka, ewan ko ba.
‘Di na mapipigilan kahit na anong harang man
‘Wag kang mag-alala, hindi ka na mag-iisa
Pag-ibig ko’y tapat, walang hanggan aking sumpa
Aalagaan kita magpakailanpaman, aking sinta...
Verse II:
Ako’y kumakanta, ika’y mahilig raw sumayaw
Pula ang gusto ko, sayo ay luntian
Magkaiba man sa maraming bagay, malay mo..
Na gusto mo rin pala ako...
At nang makita kita na nag-iisa,
Agad kitang nilapitan, nagpakilala
Nang ika’y tumingin, ako’y natunaw
Puso’y napukaw
Chorus:
Kahit na magkaiba,walang problema
Kahit na masungit ka, ewan ko ba
‘di na mapipigilan , kahit na anong harang man
‘wag kang mag-alala, hindi ka na mag-iisa
Pag-ibig ko’y tapat, walang hanggan aking sumpa
Aalagaan kita magpakailanpaman, aking sinta
Bridge:
Lumipas ang panahon, unti-unting nahulog
Ngayon ika’y akin na...
hinding-hindi na kita bibitiwan sinta,
Magpakailanman...
(Repeat 2nd chorus)