Abra - Midas lyrics

Published

0 472 0

Abra - Midas lyrics

(feat. Jaq Dionisio of Kiss Jane) Yo! Abra! Alyas - Makatang Hibang Kasama si (Jaq Dionisio) ARTIFICE! Tsik-Tsik bang! Isang araw na naman parang kahapon lang kapag muling naging pula ang buwan, Nakikipagbangayan, sa mga katunggali walang pakialamanan, pagkat 'di tayo bati. Minsan parang mabait, pero minsan lang naman, sasagasaan ang sinumang sagabal sa'king daan. Sasakyan ang mga biro kahit 'di astig ang trip, kasi kahit anong sh**, kaya kong gawing legit. Inggit ang mga katunggali ko, nagbubuwis ako ng buhay sa pangarap magkabilyong piso. Mismo, listo sa kada-kataklismo, kahit makasalanan kakampi si Hesu-Kristo. Bisyo para may pangkalawakang panglakbay, barya, ng mga balang may apoy na kasabay. Babae para magsilbing konsensiya at gabay, baril, depensa at dahilan ng pagkamatay. Sumandal, ka lang sa akin (Tahan na 'wag ka nang mag-alala) Laging, tatandaan, na mahal kita (Maging matatag ka para sa'kin kung sakaling) Halika aking yayakapin (Mamayapa, Mamayapa) 'Wag mo lamang akong iwanang nag-iisa. Tsik-Tsik bang! Isang bala ka lang, malayang kalakaran, baril ang patakaran. Dapat may, kaalaman para magkaalaman sa mundo, na madugo lahat eh, papalagan. Patalun-talon na para bang binabaril ang paanan, papitik-pitik pa parati para matapatan dapat hindi ka kabahan. Dinededma ang mga banta't pinagtatawanan, pagkat minsan ang talunan pa ang pinakapalaban. Kase kay-langan na lumaban tuwing, inaapi pero mas kay-langan ng tapang kundi, 'di kakampi sakin si, Tadhana pag nagpakita ng kahinaan, guwantes ko ang kamay ni Midas sa Kamaynilaan. Pagkat ang mga katagang nanggagaking sa aking bibig ay nakakabulabog, makapal ang 'yong apog, ala bigbang kung sumabog, tagos pa sa tugatog. Ha-bang buhay buhay basta't 'wag kang magpabaya, ang larong 'to ay sugal at kaluluwa ang nakataya. Braaaa! Sumandal, ka lang sa akin (Tahan na 'wag ka nang mag-alala) Laging, tatandaan, na mahal kita (Maging matatag ka para sa'kin kung sakaling) Halika aking yayakapin (Mamayapa, Mamayapa) 'Wag mo lamang akong iwanang nag-iisa. [x2]