Hannah Precillas - Sabi Ko Na Nga Ba lyrics

Published

0 228 0

Hannah Precillas - Sabi Ko Na Nga Ba lyrics

[Intro] Sabi ko nga Sabi ko nga Sabi ko, sabi ko, sabi ko, sabi ko nga [Verse 1] Mabuti pa noong hindi mo pa nahahalata Ang itinatago kong lihim na pagsinta Nakakasama ka, tayong dalawa Kay saya, haaa Dahil sa mapagmasid nating barkada'y Na-gets mo nang trip kita Tuloy, tipid ka nang mag-text At di na kita matitigan nang malagkit [Chorus] Sabi ko na nga ba noon pa dapat ay sinabi ko nang Na-iinlove na ako sa iyo Ang puso ko kasi punung-puno lang ng kulit Pero kinulang sa lupit kaya 'sanlibong beses nang sumakit Oh, ang sabi ko na nga ba Pasensya na, 'wag mag-alala I know kasi Di na pwedeng magpa-cute sa'yo ngayong taken na ang puso mo Oh-oh [Verse 2] Ayan tuloy sobrang naiilang na ako Di na kita maka-chat nang todo-todo Magbibiruan, galaan, walwalan, bawas na Wala na, waley na Sa group chat nating magbabarkada'y Pa-segue ko'y sini-seen mo na lang Siguro ay nababasa Ng jowa mong mala-CCTV sa NAIA [Chorus] Sabi ko na nga ba noon pa dapat ay sinabi ko nang Na-iinlove na ako sa iyo Ang puso ko kasi punung-puno lang ng kulit Pero kinulang sa lupit kaya 'sanlibong beses nang sumakit Oh, ang sabi ko na nga ba Pasensya na, 'wag mag-alala I know kasi Di na pwedeng magpa-cute sa'yo ngayong taken na ang puso mo Oh-oh [Bridge] Bakit kasi noong hindi pa kayong dalawa Pabebe ko'y dinadaan ko lagi sa patawa Ayan, na-shook ka na niya Ngayong ako ay nga-nga Sabihin mo na lang sa kanya Hanggang three years lang kayo diba Pwede ba [Chorus] Sabi ko na nga ba noon pa dapat ay sinabi ko nang Ako'y inlove na inlove na sa'yo Ako naman kasi hindi advance kung mag-isip Pa-lava walk, walang epek Mahina pa kay Mr. Bean umimik Oh, sabi ko na nga ba Pasensya na, 'wag mag-alala I know kasi Di na pwedeng magpa-cute sa'yo ngayong taken na ang puso mo Oh-oh [Outro] Sabi ko na nga ba (sabi ko na nga ba) Sabi ko na nga ba (sabi ko na nga ba) Kailangan ko ay pang-gayuma Sabi ko nga, sabi ko nga Sabi ko, sabi ko, sabi ko, sabi ko nga Wala lang