Hambog Ng Sagpro Crew - Alaala Nalang lyrics

Published

0 183360 0

Hambog Ng Sagpro Crew - Alaala Nalang lyrics

[Verse1] Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at maykapal Alam ko din akoy magtatagal sa lugar na ito Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon Tayo ay 'di magkikita makakaya ko ba 'yun? Sa tingin ko hindi, hindi ko kaya Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka, wala ka Na dito sa aking tabi kaya 'di na mapigil Ang luha Gusto kitang makapiling, mayakap, mahalikan Ngunit yun ang di ko pa makuha Dahil ilang kilometro at milya Ang distansya at ating pagitan Pangungulila ko sayo yan ang resulta ng aking Biglaang paglisan Hindi ito madali sa'yo Ngunit mas hindi madali 'to para sa'kin Nadarama ang lungkot at puot, hinagpis at ang pagkabigo at pasakit Ngunit gaano kaman kalayo Sa aking puso dito ay lagi kang malapit [Chorus] Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap Na ako'y hindi bigo Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to Kung ikaw ay alaala na lang Paano na ako? [Verse2] Binibilang ang mga araw Hanggang sa'king pag-alis Habang palapit ng palapit Lalo akong nagtitiis At tinatago nag namumuong lungkot sa'king damdamin 'Di mo lang alam 'Di ko na kaya 'Di ko lang maamin Dahil sabi mo sa akin masaya ka Para sa'kin 'Di mo lan alam ako'y nalulungkot Na para sa'tin Dahil tayo'y magkakalayo ng walang kalabanlaban Ang masakit pa doon kung kailan pa tayo Nagmamahalan, nagmahalan Tayong dalawa Ngunit bakit ito naging plano? Ng kapalarang naging malupit Ako'y inilayo sa'yo ng eroplano Habang ako'y nasa himpapawid Ako'y nakatingin sa alapaap At iniisip na sa alala nalang ba muling makakayakap At sa gabi naktitig sa mga larawan Na katabi ko sa aking kama At tinatanong Dito nalang ba tayo magkakasama? Nasa malayo na ang aking katawang tao At parang pinipilas dahil puso ko'y naiwan dyan sa Pilipinas [Chorus] Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap Na ako'y hindi bigo Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to Kung ikaw ay alaala na lang Paano na ako? [Verse3] Ang pilitin kong sa buhay ko ay wala siya Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya Dahil habang pinipilit mas sumasakit ng todo kaya Buhay ko ay parang musikang wala sa tono 'Di ba pwede naman magsama ang nagmamahalan? 'Di ba pwede naman wala nalang ding hiwalayan? Sa pag-ibig walang hadlang at pwede ba Siya ay ibalik na lang Walang matarik na bundok Walang karagatang na malalim Na aking tatawirin maibalik ka lang Sa akin Dahilan kung ba't nabuhay sa'kin ang pagkasawi Ay ang pag-ibig nating nasa tama Nasa oras namali At sana 'wag mong kalimutan dyan sa puso mo Ang pangalan ng lalaki na nag sabi na "mahal kita paalam at mag-ingat ka palagi" Noong aalis na siya at higit sa lahat "mamimiss kita" [Chorus] Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap Na ako'y hindi bigo Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to Kung ikaw ay alaala na lang Paano na ako? [Verse4] Paano na ko mamumuhay nito Kung sa piling ko ay wala Nagiisang minamahal ko Ang makasama ko siya ay isa nalang Bang himala Alam ko na sa oras na 'to ay nakikinig ka Pinipigil mo ang pag-iyak Sige ilabas mo 'wag pigilin ang emosyon Ng iyong puso na nagkabiyak Dahil ang alaala nating dalawa ay nag-iwan ng Sugat na nakamarka Sino ba naman ang hindi masasaktan Kapag nalayo ang tao na mahal ka At kung minsan naisip ko din na Wag ng ituloy itong nagawa ko na kanta Dahil malamang pag narinig ko ito sigurado Na maaalala kita Pero kahit piliting umiwas sa sitwasyon natin Ay kusang bumbalik ang mga nakaraan Kaya titulo ng kanta ko ngayon ay ALAALA NA LANG Dahil alaala na lang ang umiikot sa aking isipan Na nalilito At presensya ng pagmamahal ko sa'yo Ay dala ko at laging naririto Hindi man kita nabigyan ng materyal Pero alam mo may iniwan ako Ito ay isang bagay na di maluluma 'Yun ang pagmamahal ko sa iyo Sana ay pagkaingatan mo yan Hanggang sa oras na ika'y Muli kong balikan Dahil pinangako 'di na muling iibig Sa puso ko'y 'di ka mapapalitan [Chorus] Iniisip ko kung bakit ganito ang langit nilayo ako sayo Hindi ko matanggap, mahirap magpanggap Na ako'y hindi bigo Ngunit 'di ko rin inaasahang mangyayari 'to Kung ikaw ay alaala na lang Paano na ako?